Tuesday, June 19, 2012

Ikaw na ba ang bagong Rizal?




ika-19 ng Hunyo 2012, Ipinagdiriwan  ngayong araw ang ika-151 na kaarawan ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal.



 Dahil dito, muling sinariwa ng mga tao ang kanyang mga kontribusyon sa pagtamasa sa kapayapaan at kasarinlan ng bansang Pilipinas. At ang pinakatumatak sa atin ay ang kanyang mga bantog na aklat na Noli Me Tangere at El filibusterismo.


Kung iyong babasahin ang dalawang nabanggit na aklat, makikita na laging binibigyang diin ang mga salitang "KANSER NG LIPUNAN"




 Ang "KANSER NG LIPUNAN" na tinutukoy ni Rizal ay ang KATIWALIANG nagganap sa gobyerno ng Pilipinas noong panahon ng Kastila. Ang mga katiwaliang ito ay ang Pagnanakaw sa kaban ng bayan o mas kilala sa tawag na KORAPSYON.

Sa tingin niyo? Nagtagumpay kaya si Rizal na puksain ang "Kanser ng Lipunan"?

Ang salitang "KANSER NG LIPUNAN"  ay patuloy pa ring umaalingaw-ngaw sa bawat sulok ng bansang pilipinas dahil tila hindi pa napupuksa ang matagal ng sakit ng bansang ito. Laganap pa rin ang katiwalian sa ibat-ibang sangay ng Gobyerno. Kabilaan na ang mga proyekto na may kaakibat na pansariling interes at kapos na pondo sa kabila ng pagtaas ng buwis at pinaigting na batas para sa bayan.

 Mas lumala pa ang sakit na nararanasan ngayong ng bansang Pilipinas dahil yan sa pagsulpot ng mga Illegal na sektor na kumakalbo sa mga likas na yaman ng bansa para sa pansariling interes, Mataas na bilang krimen, paglobo ng populasyon, pagtaas ng bilang ng mga mahihirap sa bansa, kakapusan sa trabaho, Hindi sapat ng pondo sa edukasyon at marami pang iba.

Marahil nagtagumpay noon si Rizal na pag-alabin ang mga puso`t isipan ng mga Pilipino para puksain ang "Kanser" na pumapatay sa bansang Pilipinas pero muli na namang bumalik ang sakit na akala nila ay tuluyan ng napuksa.

Siguro ay isa itong paalala ni rizal na sa bawat taong paggunita natin ng kanyang kaarawan ay binubuksan niya ang ating isipan at kinakatok ang ating mga puso na marahil ngayon na ang panahon upang tayo ay kumilos upang puksain muli ang sakit na dapat ay noon pa nagwakas.

Ikaw na ba ang bagong Rizal?